-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Humihingi ng tulong ang isang OFW na nasa Riyadh, Saudi Arabia at siya ay ma-rescue at makauwi ng Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Ang nasabing OFW ay kinilalang si Alyas Norjane, taga- Lun Padido, Malapatan, Saranggani province, at nakapag-asawa ng taga-Brgy. Lam Salome, Tboli South Cotabato.

Sa sulat na ibinigay ni Norjane, sinabi nito na siya ay inaabuso, sinasaktan at pinagtulungan na gahasain ng kanyang employer at kapatid nito. 

Sa ngayon ay tatlong buwan na siyang buntis, at patuloy na nakakaranas ng pagmamalupit sa kanyang amo. 

Nabatid na kinuha ng kanyang amo ang kanyang cellphone at passport.

-- Advertisement --

Ang sulat nito ay kanyang ipinaabot na lamang sa nakasalubong nito sa  Tala Mall sa Riyadh Saudi Arabia.