Naging emosyonal si OFW Party-list Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino habang nananawagan ng hustisya para kay Jullebee Ranara, ang pinaslang na OFW sa Kuwait.
Sa kanyang privilege speech, naging emosyonal at napaiyak si Magsino dahil sa kaawa-awang nangyari kay Ranara na ginahasa, nabuntis, sinagasaan at sinunog ng anak ng kanyang employer.
Isinulong din ni Magsino ang pagpapaigting ng proteksiyon at benepisyo para sa mga OFW.
Umaapela din si Magsino kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. ng “tunay na hustisya” para kay Jullebee Ranara.
Aniya, gusto lamang magtrabaho ni Ranara para sa kanyang mga mahal sa buhay.
Pero giit ni Magsino, ang sinapit ni Ranara ay hindi makatao at hindi rin tao ang gumawa nito sa kanya.
Kaya kanyang hiling kay Pres. Marcos, makamit ang hustiya ang pagkamatay ni Ranara.
Dagdag ni Magsino, marami pang kinakaharap na problema ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs, gaya ng pagka-stranded, pagmamaltrato at pag-abuso sa kanila, gayundin ang siksinan sa mga shelter at iba pa.
Maiiwasan aniya ang mga ito kung palalakaisn ang “economic policies” na nakakaapekto sa employment rate sa ating bansa, lalo na para sa “white and blue collar jobs,” na isa sa mga rason kung bakit maraming Pinoy ang nagpapasyang magtrabaho sa abroad.