BAGUIO CITY – Nakatakdang umuwi na ng bansa ang isang overseas Filipino worker (OFW) mula sa Kuwait na biktima ng pang-aabuso.
Ayon mismo kay Richelle Tullas Ardaniel, nasa embassy na siya at hinhintay na lamang ang pag-aayos ng mga kakailanganin sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas.
Tiniyak ni Ma. Kristina Domingo, Family Welfare Office ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Abra na patuloy silang makikipag-ugnayan kay Richelle Tullas hanggang sa siyay makauwi dito sa bansa.
Maaalalang nag-viral sa social media ang kuwento tungkol sa umanoy pang-aabuso kay Richelle ng kanyang mga amo sa Kuwait.
Batay sa mga post, sinasaktan sa pisikal si Richelle gaya na lamang ng pagbato sa kanya ng sapatos at iba pa.
Gayunman, hindi inaksiyunan ng kanyang agency ang problema nito kayat umabot sa social media ang kanyang kuwento hanggang sa umabot ito sa mga kinauukulan.