-- Advertisements --
sara duterte

Tuloy-tuloy lamang daw ang paghahatid ng tulong o relief assistance ng Office of the Vice President sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa lalawigan ng Bulacan.

Una rito, pinangunahan mismo ni Vice President Sara Duterte ang pag-turn-over ng 200 sako ng bigas sa provincial government na ginanap sa bayan ng Bustos sa naturang probinsiya.

Tiniyak naman ng opisina ng pangalawang pangulo sa biktima ng pagbaha na ginagawa ng gobyerno ang lahat para mahatiran ng tulong ang mga pamilyang naapektuhan.

Naisakatuparan din ang distribusyon ng relief packs ng Office of the Vice President-Disaster Operations Center sa tulong ng Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office (PDRRMO) at lokal na pamahalaan ng Bustos.

Kung maala, libo-libong mamamayan ng Bulacan ang apektado ng walang tigil na pag-ulan.

Naging dahilan din ito ng pagpapakawala ng tubig sa Angat, Ipo at Bustos Dam kaya bumaha sa ilang lugar.