-- Advertisements --

Pinag-iingat ang publiko laban sa mga indibidwal at grupo na nagpapanggap na empleyado ng Office of the Vice President (OVP) .

Inisyu ni OVP spokesperson Atty. Reynold Munsayac ang naturang pahayag kasunod ng ilang reports sa pag-aresto ng isang suspek sa Bulacan na umano’y nagpakilala na empleyado ng OVP para makalikom ng financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development’s Region 3 office.

Hiniling ng OVP official sa publiko na iverify muna ang pagkakakilanlan ng mga nagpapakilalang personnel ng OVP at iulat sa mga awtoridad ang naturang mga insidente.

Makakatulong din ang pagbibigay ng mga litrato at videos ng mga indibidwal na nagpapanggap na empelyado ng OVP sa kanilang opisina, PNP at NBI.

Maaari ding dumulog sa official hotlines ng OVP sa 8532-5942 / 8370-1719.