Tiniyak ng Office of the Vice President na tuloy-tuloy ang kanilang pamamahagi ng tulong sa ating mga kababayang apektado ng Severe Tropical Storm Paeng.
Kasunod na rin ito ng pamamahagi ng opisina ng pangalang pangulo ng 100 kaban ng bigas sa San Pedro, Laguna.
Pinadala ito sa naturang lugar sa pamamagitan ng Office of the Vice President-Disaster Operation Center (OVP-DOC).
Nasa 1,211 na mga residente ang naninirahan ngayon sa anim na evacuation centers sa naturang probinsiya na apektado pa rin ng pananalasa ng bagyong Paeng.
Ito ay base na rin sa data ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng San Pedro.
Ayon kay CSWDO San Pedro, Laguna Head Maria Fatima Autor, plano ngayon ng local government na magpadala ng initial portion ng naturang donasyon sa mga barangay ng Cuyab, San Roque at Landayan.
Sa pangunguna naman daw ni San Pedro Mayor Art Mercado ay siguradong makakarating ang naturang tulong sa lahat ng nangangailangan at mga pamilyang nakababad pa hanggang ngayon ang kanilang mga bahay sa tubig.
Kasabay nito, todo naman ang pasasalamat ni Mayor Mercado sa Office of the Vice President-Disaster Operation Center dahil sa natanggpa nilang tulong ba una ring isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Pinangunhan ng Volunteers mula sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Air Force (PAF) ang relief operations sa lungsod.