-- Advertisements --
image 267

Naghain ng panibagong apela ang Office of the Solicitor General (OSG) sa obligasyon nitong makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa war on drugs ng Duterte administration.

Sa pagkakataong ito ay ukol sa preliminary examination ni dating ICC prosecutor Fatou Bensouda na nagtapos ng maayos matapos ang opisyal na pagtiwalag ng bansa mula sa Rome Statute noong Marso 2019.

Nitong weekend, isinumite ng OSG ang 12 pahina ng submission sa Appeals Chamber ng ICC na kasalukuyang pinag-uusapan pa kung papayagan si Prosecutor Karim Khan para ipagpatuloy ang kaniyang imbestigasyon sa umano’y crimes against humanity na nagawa sa war on drugs ng gobyerno.

Kinuwestyon ng OSG ang argumento ng ICC prosecution na ang preliminary examination nito na nagtapos noong Hunyo 24 ng taong 2021 na nangangahulugan umano na ang drug war case ay nasa ilalim ng konsiderasyon ng korte bago pa man magwithdraw ang Pilipinas mula sa ICC.

Sa ilalim kasi ng Article 127 ng Rome Statute, ang withdrawal ng state parties mula sa Rome Statute ay dapat na hindi makaapekto sa kooperasyon nito sa korte may kinalaman sa criminal investigations at proceedings gayundin sa mga usapin na nasa ilalim ng konsiderasyon ng korte bago pa man maging epektibo ang withdrawal ng bansa.

Subalit sinabi ng OSg na ginamit umano bilang kasangkapan ang preliminary examinations para ganap na paghigpitan ang sovereign rights ng isang withdrawing state.