-- Advertisements --
Plano ngayon ng Office of the Ombudsman na kumuha ng dagdag na abogado at IT experts.
Sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na nangangailangan sila ng mula 300 hanggang 500 na abogado para mapapabilis ang mga kasong inihahain sa kanilang opisina.
Hinahabol kasi nila na mapunan ang 47% na bakanteng plantilla sa kanilang tanggapan.
Mas prioridad nilang kumuha ng mga abogado at IT personnel kaysa sa mga administrative personnel dahil sa balak nilang italaga ang mga ito bubuksan nilang opisina sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroong 353 na abogado na nakatalaga sa central at sectoral office nila.