BOMBO DAGUPAN – Patuloy pa rin ang isinasagawang operations ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council Region 1 sa Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Ayon kay Bernadette Abad, Office of the Civil Defense Region 1, sa latest situational report sa buong region 1, nakapagtala ng 4,574 families affected o 18,769 na katao. Kung kaya’t Ibinukas ang 90 evacuation centers sa buong Region 1, 21 evacuation Centers sa Ilocos Norte, na siyang tinutuluyan ng 270 families o 810 na mga indibidwal, 26 evacuation centers sa Ilocos Sur, na tinutuluyan ng 173 families o 511 na katao.
Samantala, ang ibang apektado naman ay nakituloy sa kani-kanilang mga kamag-anak.
Dagdag pa ni Abad, naging dahilan ang patuloy na pagbagsak ng malakas na ulan, kung kaya’t umabot sa red-alert warning status ang Ilocos na siyang nagdulot ng pagbaha sa lugar.
Nito namang 8AM, bumaba na sa orange warning status ang lugar ngunit inaasahan pa rin ang pag-ulan.
Samatala, hindi naman madaanan ang ilang bahagi sa Ilocos Norte, kabilang ang Batac Ilocos Norte dahil sa baha, at Pancian, Pagudpud, Ilocos Norte dahil sa landslide.
Kaugnay nito, wala namang naiulat na nasaktan hinggil sa pagbaha sa Ilocos Norte at Ilocos Sur, at patuloy pa rin ang pag-antabay ng National Disaster Risk Reduction and Management Council 1, Philippine Military Agency, Philippine Coast Guard, at mga rescuers ng Pangasinan at La Union para sa augmentation forces.
Nakahanda na rin ang mga rubber boats at Jet Ski, para sa mabilisang rescue operations.