-- Advertisements --

Inilagay ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa listahan ng World Heritage ang Odesa city sa bansang Ukraine.

Sa ilalim ng UNESCO founding Convention members kabilang na dito ang Russia at Ukraine ay obligado ang mga miyembro na gumawa ng hakbang na hindi masira ang mga nasa heritage list.

Umaasa naman si Audrey Azoulay ang director-general ng UNESCO na sa nasabing deklarasyon ay maprotektahan ang nasabing lungsod.

Ang desisyon na rin ay mabibigyan ng pagkakataon ang Ukraine na maka-access sa technical at financial international assistance para maprotektahan at maayos ang sentro ng lungsod.