-- Advertisements --

Iniulat ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority ang suspensyon ng pagpapatupad ng odd-even scheme sa mga kakalsadahan Metro Manila.

Kasunod ito ng desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpaliban muna ang rehabilitasyon ng EDSA.

Ayon kay MMDA chairperson Don Artes, tutukan ng kanilang ahensya ang pagpapatupad ng kasalukuyang number-coding scheme.

Una nang ipinatupad ang odd-even scheme bilang isang traffic management plan na layong mabawasan ang sisiksikan ng mga sasakyan sa EDSA dahil sa panukalang EDSA rehabilitation.

Kung maaalala , kinansila ni PBBM ang rehabilitasyon dahil sa iba’t -ibang konsiderasyon kabilang na ang magiging epekto nito sa ekonomiya dahil sa posibleng pamumuo ng traffic sa mga pangunahing daan sa Metro Manila.

Bumuo na rin sana ang MMDA ng plano para mabawasan ang traffic katulad ng pagbubukas ng Mabuhay Lanes at iba pang alternatibong ruta.

Malugod namang tinanggap ng ahensya ng desisyon ng pangulo na kanselahin ang rehabilitasyon ng EDSA.