-- Advertisements --

MANILA – Nanawagan ang independent group na OCTA Research sa pamahalaan na isali na rin sa prayoridad ng alokasyon sa COVID-19 vaccines ang mga itinuturing na high risk areas sa labas ng National Capital Region (NCR) Plus.

Kasunod ito ng na-obserbahang pagsipa sa bilang ng mga kaso ng COVID sa Mindanao, partikular na sa Davao City.

Ayon kay Prof. Guido David, hindi lang dapat naka-sentro sa NCR Plus ang alokasyon ng mga bakuna, dahil kailangan din ng buhos ng supply sa mga lugar na nagsisimula nang tumaas ang kaso ng COVID.

Kahapon nagsimula na ang pagbabakuna sa mga A4 o essential workers ng NCR Plus 8, kung saan kasali ang Davao City at Cebu City.

Kabilang ang Davao City sa mga itinuturing na areas of concern ng OCTA.

Pati na ang ilang lugar sa Mindanao, Bacolod City, Iloilo City, Dumaguete City, at Tuguegarao City. with report from GMA News, CJY