-- Advertisements --

OCD, tiniyak na ligtas para sa turista ang Albay sa kabila ng pag-alburuto ng Bulkang Mayon
loops: OCD, Mayon volcano, tourist

Tiniyak ng Office of the Civil Defense (OCD) na ligtas para sa mga turista ang lalawigan ng Albay sa gitna ng pag-alburuto ng bulkang Mayon.

Ito ay kasunod ng pag-promote ng Department of Tourism (DOT)- Bicol region ng listahan ng ligtas na viewing sites para sa mga nais turista na nais na masaksihan ang lava flow mula sa pag-alburuto ng bulkan.

Hindi naman ito pinalampas ng mga social media users at binatikos ang ahensiya dahil sa pag-promote pa sa tinawag na disaster tourism habang libu-libong mga residente ang apektado ng pag-alburuto ng bulkan.

Paliwanag naman ni Gremil Naz ng OCD Bicol region na sa pamamagitan ng pakikipag-dayalogo sa iba’t ibang ahensiya kabilang na sa DOT, hindi na kailangang magpatupad ng ban sa turismo o suspendihin ang mga aktibidad sa turismo sa labas ng 6 kilometer permanent danger zone.

Saad pa nito na mayroon aniyang ligtas na vantage points o mataas na lugar sa iba’t ibang bayan at siyudad sa Albay kung saan maaaring makita ang bulkan.

Noong nakaraang linggo, iminungkahi ng OCD na gawing national aprk ang 6 kilometer permanent danger zone mula sa mga aktibong bulkan sa bansa.

Ito ay upang hindi na magtungo pa ang mga residente sa nasabing danger zone at upang hindi na kinakailangang ng magsagawa ng evacuation sa tuwing mag-alburuto ang bulkang Mayon.