-- Advertisements --
Nagsagawa ng aerial survey ang Office of the Civil Defense sa bahagi ng katubigan ng Oriental Mindoro na apektado ng oil spill.
Ito ay pinangunahan nina OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, kasama sina Mindoro Mayor Henry Joel Teves, at OCD Assistant Secretary Raffy Alejandro.
Layon nito na suriin ang lawak ng pinsalang dulot ng oil spill sa mga katubigan ng isla ng Naujan hanggang Pinamalayan sa Oriental Mindoro.
Kung maaalala, ang nasabing oil spill ay mula sa lumubog na MT Princess Empress na may kargang 800,000 MT na industrial fuel oil sa nasabing lugar dahilan kung bakit idineklara na ang state of calamity sa lalawigan ng Antique at iba pang bahagi ng Oriental Mindoro.