Iminungkahi ngayon ng Offic of the Civil Defense sa pamahalaan na ideklara na bilang national parks ang mga lugar sa Pilipinas na madalas tamaan ng mga kalamidad.
Ito ang inihayag ni Civil Defense Administrator and National Disaster Risk Reduction and Management Council Executiv Director, Usec. Ariel Nepomuceno sa gitna ng patuloy na aktibidad ngayon ng Bulkang Mayon.
Paliwanag niya, layunin nito na matugunan ang suliranin ng mga otoridad pagdating sa paglilikas ng mga residente sa tuwing may kalamidad na problema din ngayong nag-aalboroto ang Bulkang Mayon.
Sa pamamagitan kasi aniya ng pagdedeklara bilang national park ang mga lugar na vulnerable sa mga kalamidad ay hindi na pahihintulutan pa ang mga sinuman na manirahan sa mga ito partikular na sa 6km permanent danger zone ng nasabing bulkan.
Aniya, sakaling masuportahan ito ng mga mambabatas masasakupan nito ang lahat ng 24 mga active volcanoes sa buong Pilipinas.