-- Advertisements --
Pinasalamatan ni Filipino pole vaulter EJ Obiena ang mga indibidwal na nag-alok ng tulong para matuloy ang mga torneo niyang lalahukan sa ibang bansa.
Kasunod ito sa pagbubunyag niya na halos isang taon na hindi pa nababayaran ang kaniyang kasamahan sa team at ang kakulangan ng pondo kaya hindi na ito nakalahok sa ibang torneo.
Dagdag pa nito na mula ng ibunyag niya ang nasabing problema ay bumuhos ang tulong subalit kaniya itong tinanggihan dahil inaayos na ng Philippine Sports Commission ang usapin.
Giit niya na hindi magandang tignan kung tanggapin pa ang tulong dahil a nireresolba na ang usapin.
Magugunitang tiniyak ng PSC na kanilang reresolbahin ang ibinunyag ni Obiena.