-- Advertisements --
Dumepensa ang Manila Water Corporation matapos umalma ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa paratang nitong kasalanan ng National Water Resources Board (NWRB) ang hindi nai-schedule na water interruption nila ng Maynilad.
Ayon kay Manila Water Corporate Communications head Jeric Sevilla, nakaapekto sa kanilang distribusyon ng tubig ang pagbabawas ng NWRB sa alokasyon na dulot ng mababang water level sa Angat Dam.
Nauna ng pinalagan ni MWSS chief regulator Atty. Patrick Ty ang paninisi ng dalawang concessionaires sa NWRB.
Giit ni Ty, responsibilidad ng mga kompanya na alamin ang sitwasyon sa pinagkukunan nito ng tubig para makagawa agad ng contingency measures.
Sa ngayon tikom pa ang Maynilad ukol sa reklamo.