KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ng mga health authorities ang nurse na tumakas sa quarantine facility sa lungsod ng Koronadal kahapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay City Health Officer Dr. Editho Vego, na-apprehend si Rolyn Entano sa Sitio Pulatana, Brgy Malandag, Malungon, Sarangani Province matapos hinarang ng mga otoridad ang kaniyang sasakyan.

Kaagad naman silang nagsagawa ng rescue operation kasama ang PNP at kinumusta ang nasabing nurse.

Ayon kay Dr. Vego, anim na oras na hindi pinalabas si Entano dahil itinuturing siyang contaminated sa COVID-19.

Sa ngayon ay magsasagawa sila ng imbestigasyon bukas upang makapagpahinga muna ang nurse.