-- Advertisements --
traffic transpo people firetrucks jeepneys PUV

Suspendido ang number-coding sa Metro Manila simula sa Abril 6 hanggang 10 na idineklarang holidays ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang Abril 6 ay ginugunita ang Huwebes Santo at sa Abril 7 naman ay Biyernes Santo habang ang Abril 10 naman ay idineklara bilang araw ng kagitingan na isang regular holiday.

Kaugnay nito, maglalagay ang MMDA ng multi-agency commander center (MACC) sa metrobase nito simula sa Abril 3.

Ayon kay MMDA acting chairman Atty Don Artes, sa pamamagitan ng inter-agaency action center mamomonitor ang real-time updates sa mga terminal ng bus sa buong Metro Manila para masiguro ang ligtas na pagbiyahe ng mga mananakay at maayos na daloy ng trapiko sa mga kalsada kasabay ng pag-obserba ng Kwaresma.

Nakatakda ring maglagay ng isang Inter-agency terminal inspection ilang araw bago ang holy week.

Para matiyak din na mayroong sapat na manpower para sa Semana Santa, magpapatupad ang MMDA ng No day off, No Absent policy sa Abril 5, 6 at 10 kung saan inaasahang sisikip ang trapiko.

Magpapatupad naman ng skeletal deployment sa Abril 7,8 at 9 na nakatuon sa mga Visita Iglesia site.