-- Advertisements --

Suspendido ang number coding sa buong Metro Manila sa araw ng Biyernes, Pebrero 9 bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Chinese New year ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang Chinese New year ngayong taon ay natapat sa araw ng Sabado, Pebrero 10 subalit idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang araw ng Pebrero 9 bilang special non-working day sa bansa para sa selebrasyon ng naturang holiday.

Ito ay sa bisa na rin ng Proclamation No. 453.

Kaugnay nito, nagpaalala ang MMDA sa mga motorista na laging tandaan na planuhin muna ang biyahe saan man ang magiging destinasyon, sumunod sa batas trapiko at mag-ingat sa pagmamaneho.