CENTRAL MINDANAO-Nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) ang number 1 Frontliner ng Bangsamoro Region.
Ayon sa tagapagsalita ng BARMM Inter Agency Task Force at Cabinet Secretary Asnin Pendatun na nagpositibo sa Covid 19 si Ministry of Health (MOH) Minister Dr Saffrullah Dipatuan at ang kanyang asawa.
Sinabi ni Dipatuan na posibleng nakuha niya ang virus sa kanyang misis na merong sintomas ng sakit tulad ng sipon, lagnat at ubo.
Magkahiwalay na naka isolate sa Amai Pakpak Medical Center (APMC) sa Marawi City si Dr Dipatuan at kanyang maybahay.
Kinumpirma ni Pendatun na asymptomatic si Dr Dipatuan habang ang kanyang asawa ay nakararanas naman ng mild to moderate symptoms.
Nagsagawa na rin ng contact tracing ang MOH-BARMM sa mga nakasalamuha ni Dr Dipatuan at ng kanyang maybahay.
Hinikayat naman ni Pendatun ang mamamayan ng BARMM na mahigpit na sundin ang umiiral na health protocols kontra Covid 19.