Pinahiya ng Denver Nuggets ang Golden State Warriors sa kanilang Game 4 nitong araw nang talunin sa iskor na 126-121.
Nagawang mapigilan ng Denver sa pangunguna ng reigning MVP na si Nikola Yokic ang pag-sweep sa kanila ng Warriors nang magtala siya ng 37 big points.
Si Jokic ang nagbigay din ng assist kay Will Barton para sa crucial 3-pointer sa left corner habang may 8.3 seconds ang nalalabi sa game.
Gumana rin naman ang matinding depensa ng Nuggets laban kay Jordan Poole, na dati ay hawak ang average na 28.7 points ngayong serye subalit na nagkasya lamang sa 11 puntos.
Nanguna sa bigong kampanya ng Warriors si Steph Curry na nasayang ang 33 points.
Marami rin ang nagtaka na sumablay ang lahat ng apat niyang free throws na sinasabing kauna-unahan sa kanyang career.
“Its the worst feeling in the world, missed free throws,” pag-amin pa ni Curry.
Si Klay Thompson ay nagtapos sa 32 points pero nagtala naman siya ng five fouls.
Ang Game 5 ay gagawin na sa Huwebes doon sa homecourt ng Warriors na posibleng wakasan na ang kanilang serye para umusad sa second round ng NBA playoffs mula sa 3-1 ngayon.