-- Advertisements --

Mistulang naging madali lamang para sa Denver Nuggets na iuwi ang unang panalo laban sa Miami Heat sa unang banggaan ng dalawa sa NBA Finals 2023 sa score na 104-93.

Sa unang quarter pa lamang kasi ay agad nang lumamang ang Nuggets ng 9 points.

Nadagdagan pa ito at naging 17 points sa pagtatapos ng 2nd quarter, dahil na rin sa scoring run ng Nuggets.

Pagpasok ng 2nd half, tinangka ng Miami na habulin ang Nuggets ngunit lalo lamang lumamang ang Denver at umabot pa sa 21 points.

Hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang Miami sa 4th quarter at pinilit magbuhos ng puntos sa pamamagitan ng 30 big points kontra sa 20 points lamang na naipasok ng Denver.

Gayunpaman, hindi pa rin ito naging sapat upang mahabol nila ang Nuggets, dahil na rin sa malaking kalamangan.

Nanguna pa rin sa naging panalo ng denver si Nikola Jokic sa kanyang 27 points, 10 rebounds, 14 assists triple double performance, habang nag-ambag naman ng 26 points, 10 assists double-double si Jamal Murray.

Sa naging panalo ng Denver, limang players nito ang nag-ambag ng double-digit scores.

Sa panig ng Miami, nalimitahan lamang ang kanilang star na si Jimmy Butler sa 13 points 7 rebound performance.

Nagbuhos naman ng 26 points at 13 rebound double-double si Bam Adebayo ngunit hindi pa rin naging sapat.

Gaganapin naman sa araw ng Lunes, june 5 nng game 2 sa pagitan ng dalawa sa homecourt pa rin ng Nuggets.