-- Advertisements --
Ibinalik ng Mexico ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar dahil sa muling pagsipa ng COVID-19.
Ayon sa health minister ng Nuevo Leon state na magiging epektibo agad ang nasabing kautusan ng pagsusuot ng facemask.
Sa pinakahuling bilang kasi ay nagtala ang nasabing lugar ng 120 na bagong kaso ng COVID-19.
Nasa 86 percent kasi sa populasyon ng estado ang nakatanggap naman ng unang dose ng COVID-19 vaccine.