-- Advertisements --

CAUAYAN CITY– Kinumpirma ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya na nagtala ng panibagong 21 COVID-19 positive.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Edwin Galapon, Provincial Health Officer na nasa 21 ang panibagong COVID-19 positive ang naitala sanhi para umakyat na sa 44 ang total active case sa Nueva Vizcaya.

Sa kabuuan ay umakyat na sa 937 ang total COVID-19 cases sa Nueva Vizcaya.

Sa 21 panibagong kaso ay pito ang naitala sa Bambang, tig-aapat sa Bayombong at Solano, 3 sa Dupax del Sur , dalawa sa Bagabag at isa sa Sta Fe,

Samantala, nagsagawa ng Emergency Meeting ang Provincial Inter-Agency Task Force na pinangunahan ni Gov. Carlos Padilla at tinalakay ang kanilang mga susunod na hakbang kaugnay sa pinangangambahang pagsipa muli ng kaso ng COVID-19 sa Nueva Vizcaya.

Sa araw ng Lunes mula sa 15 bayan ng Nueva Vizcaya, 5 bayan ang mayroong aktibong kaso na kinabibilangan ng Solano, Bayombong, Bambang, Dupax Del Norte at Dupax Del Sur at naidagdag ngayong araw ang bayan ng Santa Fe.

Patuloy naman na pinag-iingat ng mga kinauukulan ang mga residente at hinimok na sumunod sa mga Health Protocol para makaiwas sa Virus.