-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Halos 30 pamilya ang inilikas dahil sa serye ng landslide na dulot ng paglambot ng lupa at pagbaha dahil sa patuloy na pag-ulan.

Sa nakuhang impormaiyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Provincial Disaster Risk Reduction Managament Office, isinailalim sa force evacuation ang nasa 26 na pamilya sa bayan ng Aritao mula sa mga barangay ng Tabueng, Common, Kalit-litan, Banganan at Darapidap.

Inilikas naman ang isang pamilya sa bayan ng Kasibu ngunit pinauwi rin matapos matiyak ang kanilang kaligtasan.

Pinag-iingat pa rin ang mga residente dahil sa patuloy na pag-ulan pangunahin na sa mga landslide at flashflood prone areas.

Sa ngayon ay tanging ang Lublob Bridge sa Alfonso CastaƱeda, Nueva Vizcaya na lamang ang hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan dahil sa pagtaas ng antas ng tubig.