Pumanaw na si Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla sa edad na 78 matapos na atakihin sa puso.
Kinumpirma rin ito ng kaniyang panganay na anak na si Carlos “Jojo” Padilla II.
Pinasalamatan nito ang mga nakipagsimpatiya at suporta sa kanilang pamilya.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Anthony Cortez na dakong 9:20 ng umaga nitong Biyernes ng malagutan ng hininga ang opisyal.
Ang 78-anyos na si opisyal ay nasa kaniyang ikatlo at pang-huling termino bilang gobernador ng Nueva Vizcaya.
Bago naging gobernador ay nagsilbi ito bilang Representative ng Lone District ng Nueva Vizcaya sa loob ng 29 taon.
Nagsilbi rin siya bilang Deputy Speaker at Minority Leader habang ito ay nasa kongreso kung saan naging miyembro ng Commission on Appointments at House of Representative Electoral Tribunal (HRET).
Ikinasal siya kay Ruth Raña Padilla na nagsilbing provincial governor ng Nueva Vizcaya at PRC Commissioner kung saan mayroon silang tatlong anak na sina Carlos “Jojo” II, Ruthie Maye at si Carlo Paolo.