-- Advertisements --
image 179

Nakaranas ng pagkaputol ng suplay ng kuryente ang probinsiya sa Nueva Ecija dulot ng epekto ng pananalasa ng bagyong Karding.

Ito ang inihayag ni Energy Secretary Raphael Lotilla sa isinagawang situation briefing kaninang umaga kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang iba pang lalawigan na bahagyang apektado pagdating sa suplay ng kuryente ay ang Tarlac, Zambales, Pampanga, at Quezon.

Ang mga pangunahing linya ng NGCP sa mga lugar na apektado ay nagpapakita na ang buong lalawigan ng Nueva Ecija at Aurora ay walang kuryente dahil apektado ang main highways ng kuryente.

Nauna nang inaprubahan ni Marcos ang rekomendasyon ng NDRRMC na suspindihin ang mga klase sa mga pampublikong paaralan at trabaho ng gobyerno sa National Capital Region, Regions I, II, III, IV-A (Calabarzon), IV-B (Mimaropa), at Cordillera Administrative Region, RegionV dahil kay Karding.