-- Advertisements --

Inirekomenda ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na mabakunahan na ang mga residente ng Metro Manila na nais magpabakuna na kontra sa naturang sakit, kahit pa hindi sila pasok sa anumang priority group.

Ginawa ng NTF ang naturang suhestiyon matapos na maaprubahan ang hiling ng mga alkalde sa Metro Manila mayos na bigyan sila ng 4 million doses ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay testing czar Vince Dizon, sapat na ang supply na ito para mabigyan din ng pagkakataon ang mga hindi pasok sa priority groups sa NCR na makapagpabakuna kontra COVID-19.

Sa ngayon, nasa 30% na ang fully vaccinated sa NCR.

Sa buong bansa, aabot naman sa 20 million doses na ang naituturok ng pamahalaan, kung saan mahigit 8 million Pilipino ang fully vaccinated na.