-- Advertisements --

Intasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telco na tiyaking ma sapat na tauhan na ide-deploy sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Jolina.

Sa memorandum ni NTC Commissioner Gamael Cordoba, dapat tiyaking sapat ang technical at support personnel at mayroong generator sets na naka-standby na may extra fuels.

Ito ay para masigurong magtutuluy-tuloy ang serbisyo ng mga telecommunications company.

Sa mga lugar naman na dinaanan na ng bagyo, iniutos ng NTC na agad magsagawa ng repair ang mga telco upang maibalik ng mabilis ang serbisyo.

Ayon kay Cordoba, dapat magsumite ng report sa NTC ang mga telco sa kanilang gagawing restoration activities.

Pinagtatalaga din ng NTC ang mga telco ng Libreng Tawag at Libreng Charging Stations lalo na sa mga lugar na naapektuhan ng power interruptions.

Kailangan lamang matiyak na makikipag-ugnayan sa mga LGU para masigurong masusunod ang health and safety protocols.