Ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mga kumpanya na tiyakin na ang mabilis at maaasahang broadband connectivity ay magagamit sa lahat ng oras sa panahon ng Semana Santa.
Sa isang memorandum, sinabi ni National Telecommunications Commission Commissioner Ella Lopez na ang mabilis at maaasahang internet broadband connectivity ay “vital” sa mga religious at Holy Week break traveller.
Dahil dito, inutusan ng ahensya ang mga telcos na tiyakin na ang kanilang mga serbisyo na may mas mataas at sapat na kapasidad ng network.
Ayon kay Lopez, dapat na magagamit 24/7 ang mga broadband connectivity sa mga lugar ng convergence tulad ng mga lugar na relihiyoso.
Ang mga Telcos ay inaatasan din na magtalaga ng sapat na bilang ng mga technical service upang matugunan ang anumang pagkagambala sa serbisyo.
Ang pagka-antala sa serbisyo ay aniya hindi rin dapat lumampas ng isang oras simula bukas hanggang Abril 10.
Liban nito, ang mga pagkukumpuni ay dapat ding gawin at ibalik kaagad para sa mga mamamayan na gagamit ng broadband connectivity.
Top