Inatasan na rin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang regional directors nito na makipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay ng paggunita sa Undas.

Batay sa memorandum na nilabas ng NTC na may petsang October 28, binigyang direktiba nito ang kanilang hanay sa mga probinsya para asistehan at tutukan ang sitwasyon sa mga sementeryo at kababayang uuwi.

NTC Memo Undas 2019

Humingi rin ng tulong ang ahensya sa hanay ng media para maipahatid ng tama ang mga impormasyong kailangan ng malaman ng publiko sa Araw ng mga Kaluluwa at Patay.

“Also enlist the assistance of radio, television, and cable TV stations or operators for the proper and timely dissemination of related information,” ayon sa komisyon.

Ipinagutos ng NTC sa regional offices nito na kolektahin ang ipapadalang reports ng civil action groups at amateur radio groups, na kanila namang isusumite sa commissioner ng ahensya.