-- Advertisements --
Inatasan na rin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga public telcos na maglaan ng libreng tawag at charging stations sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Abra at ibang lugar.
Ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba. na naglabas na ito ng kautusan para makatulong sa mga residente doon.
Mahalaga aniya ang paglalagay ng libreng tawag at charging stations para ipaalam ng mga residente sa kanilang kaanak mula sa malayong lugar kanilang kalagayan.
Magiging epektibo ang nasabing kautusan ng hanggang Agosto 5.