-- Advertisements --
Inabisuhan na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga tatlong major Telcos at kanilang mga regional directors na paigtingin ang pagbibigay babala sa mga text scams na nag-aalok ng pekeng trabaho.
Sa memorandum na inilabas ng NTC na dapat magpadala ang mga telcos ng text blast sa kanilang subscribers mula Hunyo 11 hanggang 17 na nagbibigay babala na huwag basta maniwala sa mga text message na kanilang matatanggap na nag-aalok ng trabaho.
Isinagawa ng NTC ang panawagan matapos ang pagdami ng mga nabiktima ng phising kung saan karamihan sa kanila ay nanakaw ang pera sa bangko.
May mga simcard numbers at mga sites ang ipinasara na rin ng NTC matapos mapatunayan ang ginagawang panloloko.