-- Advertisements --
Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga pangunahing telecommunications companies sa bansa na ipagpatuloy ang kanilang text blast warning sa mga mga subscribers para tuluyang malabanan ang text scams.
Ito ang laman ng bagong memorandum ng NTC na dapat ituloy ng mga telcos ang text blasts mula Oktbure 5 hanggang 11 bilang bahagi ng Kontra Text Scam Campaign.
Naglalaman ang mensahe na huwag paniwalaan ang mga nag-aalok ng trabaho, pabuya at pera.
HInikayat din ng ahensiya ang mga telcos na patuloy ang pag-block sa mga SIM cards na ginagamit sa text scams.
NItong Setyembre ng ilunsad ng NTC ang kampanya para maabisuhan ang mga mamamayan laban sa mga text scammers.