-- Advertisements --

Aminado ang National Telecommunications Commission (NTC) na pahirapan ang proseso bago makapagtayo ng cell towers ang mga telecommunication companies sa bansa.

Sa pulong ng House Committee on Information and Communications Technology, sinabi ni NTC commissioner Gamaliel Cordoba na maraming mga papeles na hinihingi lalo na ng mga local government units na nagoapatagal sa pagtayo ng mga cell towers at iba pang mga kinakailangan na mga imprastraktura.

Kaya naman hinihimok ni Quirino Rep. Junie Cua ang mga telecommunications company na samantalahin ang validity ng Bayanihan 2.

Ayon kay Cua, isa sa mga probisyon ng Bayanihan 2 ang pinadaling pagkuha ng ng mga permit at clearances dahil tinanggal pansamantala ang mga requirements para sa mga dokumentong ito na sinasabing nagpapatagal sa proseso ng pagtatayo ng dagdag na tower. 

Layon ng probisyon na ito na mapadali ang pagtatayo ng mga cell towers upang sa gayon ay maserbisyuhan ng mabilis na internet at data speed ang bansa, lalo pa at ipinapatupad ngayon ang blended learning para sa mga mag-aaral bunsod ng COVID-19 pandemic.