-- Advertisements --
image 476

Hinamon ng National Security Council (NSC) ang grupong Karapatan na maghain ng ‘writ of habeas corpus’ kung ipagpapatuloy nilang ipilit ang alegasyon na umano’y pagdukot kina Jonila Castro at Jhed Tamano sa Bataan.

Ginawa ni NSC Spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya ang pahayag, upang mapatunayan aniya ng grupo ang kanilang alegasyon sa korte.

Ito ay bilang kasagutan na rin ng opisyal, matapos ilabas ng Karapatan sa kanilang isinagawang press conference, ang nanay ni Castro upang hilingin ang umano’y pagpapalaya sa kaniyang anak.

Ayon kay Malaya, nasa maayos na kalagayan ang dalawang kabatan, sa ilalim ng proteksyon ng pamahalaan at pawang propaganda lang ang presscon ng Karapatan.

Katwiran ni Malaya, una nang ipinakita sa Media noong araw ng Biyernes, sa pamamagitan ni P/Capt. Carlito Buco Jr. ng Bataan Provincial Police Office ang mga larawan at video ni Jonila at Jhed na kasama ang mga miyembro ng Commission on Human Rights at Public Attorney’s Office ng Department of Justice.

Aniya, maaaring bisitahin ng magulang ng dalawang bata ang kanilang mga nak, sa anumang oras.