Pinagkibit-balikat lamang ni National Security Adviser Clarita Carlos ang paggigiit ng Chinese Foreign Minister Wang Wenbin na hindi tinatanggap o kinikilala ng China ang 2016 arbitration ruling.
Paliwang ni NSA Carlos na malinaw ang posisyon ng Pilipinas sa naturang usapin at malinaw din ang posisyon ng Pangulo ng republika hinggil dito kung kayat hindi na aniya ito bago.
Tinutukoy ni Carlos ang naging pangako noon ng Pangulong Bongbong Marcos na pagdepensa sa soberanya ng ating bansa supalit nagpahayag din ito ng planong palawoigin pa patungo sa mas mataas na antas ang diplomatic ties ng bansa sa China.
Una ng inihayag ng Chinese Foreign Ministry na ang 2016 The Hague ruling ay seryosong paglabag sa international law at iligal, null at void.
Magugunita sa July 2016 ruling mula sa arbitral tribunal sa Permanent Court of Arbitration sa kasong inihain ng Pilipinas noong 2013, na nagpapawalang bisa sa nine-dash line claims sa West Philippine Sea base sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Samantala, sa unang briefing ni Carlos sa philippine Coast Guard sa headquarters ng ahensiya sa Manila nitong Lunes, hindi pa inilalatag sa ngayon ng NSA at concurrent chair ng National Task-Force-West Philippine Sea ang kaniyang guideliens at polisiya para sa PCG bagkus nagbigay ito ng paunang briefing hinggil sa patrol operations ng PCG sa Benham Rise, West Philippine Sea, southern Philippines at sa iba pang tungkulin ng ahensiya.
-- Advertisements --