-- Advertisements --
image 467

Inamin ng head secretariat ng National Price Coordinating Council na nabigo itong makapagrekomenda ng price freeze sa presyo ng sibuyas noong nakaraang taon.

Maalalang pumalo ang presyo ng nasabing produkto ng hanggang P700.00 sa kada kilo.

Ayon kay Department of Trade and Industry(DTI) Consumer Protection & Advocacy Bureau Dir. Atty. Melquiades Marcus Valdez, na siya ring head ng NPCC secretariat, nabigong magkaroon ng qourom ang konseho para mapagdesisyunan ang naturang isyu.

Ito ay sa likod aniya ng ilang beses nitong pagpapatawag ng pagpupulong, kung saan bigong makadalo ang mga kinatawan ng bawat ahensiyang bahagi ng naturang konseho.

Tinukoy din ni Valde ang aktwal nitong rekord na nagpapakita sa kung kailan at ilang beses silang nagpatawag ng pagpupulong.

Paliwanag ng opisyal na bahagi ng tungkulin ng konseho na irekomenda sana sa pangulo ng bansa ang pagkakaroon ng state of emergency para makapagpatupad ng price control.

Gayonpaman, naging malaking balakid aniya ang ang kakulangan o laging kawalan ng qourom.

Samantala, kabilang sa mga ahensiya ng pamahalaan na bahagi ng konseho ay ang mga sumusunod: DTI, DA, DOH, DENR, DILG, DOTr, DOJ, NEDA.

Bahagi rin ng konseho ang mga kinatawan mula sa ibat ibang grupo katulad ng mga konsyumer, produser, manufacturer, at trader.