-- Advertisements --

Iniimbestigahan ng The National Privacy Commission (NPC) kung mayroong kapabayaan sa paghawak ng mga personal informantion at security ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) matapos na atakihin ito ng ransomware.

Bukod pa dito ay tinitignan ng NPC kung mayroong posibleng pagpataw ng administrative fines sa ilang opisyal ng PHILHEALTH.

Sinabi ni NPC Public Information and Assistance Division chief Roren Chin , na ang administrative fines ay posibleng abutin ng P5-milyon.

Paliwanag nito na ang administrative fines ay pera na ipinapataw nila para sa mga non-criminal violations ng data privacy regulations at ito ay hiwalay sa criminal penalties na nakasaad sa Data Privacy Act.

Patuloy ang kanilang pagberipika kung an ang mga indibidwal ay may koneksyon sa Philhealth na maaaring empleyado o mga miyembro.

Nauna ng pinapagpapaliwanag ng NPC ang Philhealth ukol sa nangyaring insidente.