-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakilala na ng investigating team ng Misamis Oriental Provincial Police Office o MOPPO ang lima sa labing limang kasapi ng New Peoples Army sumalakay quarry site at nagkompiska sa limang security guard ng Minergy Plant sa Brgy Quezon, Balingasag Misamis Oriental.

Kinilala ni Police Col Roy Bahian ang mga limang suspek na sina NPA Commander Ronald Sacal, Ron Rong Hilogon, alyas Bombom Paz, daloydoy Supera at Rema Bagdabia.

Kasong violation ng International Humanitarian Law, grave threats at robbery ang isasampa ng PNP kasabay ng kompanyang Minergy.

Napag-alaman rin ng Bombo NewsTeam na kabilang sa mga nadisarmahang sekyu ng minergy ay mga retired army.

Dumepensa naman si Bahian at sinabing hindi makapalag ang mga sekyu dahil matataas na armas ang dala ng mahigit isang dosenang NPA.