TACLOBAN CITY – Muling nagkasagupa ang tropa ng mga sundalo at New People’s Army (NPA) sa bahagi ng Sitio Tay-ong, Barangay Pinamonoan, Mahaplag, Leyte.

Ayon kay Lt. Col. Roberto Obaob, commanding officer ng 78th Infantry Battalion, tumagal ng aabot sa 20 minuto ang engkuwentro pero wala naman naitalang casualties o sugatan sa panig ng militar.

Bagkus, narekober ng kasundaluhan ang kuta ng NPA sa naturang bayan gayundin ang isang M16 rifle, 130 rounds ng live ammunitions, improvised explosive device, cellphone, medical paraphernalia, at mga dokumento na may mataas na “intellligence value.”

Pinaniniwalaan ng mga sundalo na ang grupo ng mga rebelde ang nasa likod sa pagpatay sa isang kapitan sa Hilongos, Leyte