-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Inatasan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng kanilang lower units na hahabulin hanggang sa tuluyang masawata ang natitirang combatants ng New People’s Army (NPA) na umaaligid sa ilang bahagi ng bansa.

Hakbang ito ng Philippine Army kasunod sa paggunita ng Communist Party of the Philippines ng kanilang NPA arm wing ng anibesaryo nito sa araw na Martes.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Philippine Army spokesperson Colonel Louie Dema-ala na ang pinaigting nila na combat operations ay naglalayon na pabagsakin ng tuluyan ang armadong kilusan.

Tiniyak ng AFP na tuloy-tuloy lang ang kanilang mga operasyon sa mga natitira na NPA members na hindi pa nakapag-desisyon na itakwil ng tulyan ang walang direksyon na pakikipaglaban sa sariling gobyerno.

Pag-amin ng opisyal na nakatutok na lang ang kanilang puwersa sa pamamagitan ng 3rd ID ng Visayas area at 4ID,Philippine Army ng Northern-Caraga regions kung saan matatagpuan ang ilang humina na umanong CPP-NPA guerilla fronts.

Magugunitang hindi na bago para sa AFP na kahit nasa paggunita ng Semana Santa ang bansa ay magsagawa ng mga kaguluhan ang mga rebelde batay sa nai-dokumento ng pulisya sa ilang lugar sa bansa.