Nakatakda na umanong magbukas ang Notre Dame cathedral sa taong 2024, limang taon matapos itong masunog.
Kung maalala Abril noong taong 2019 nang sumiklab ang sunog sa 850 taong gulang na gusali na sumira sa malaking bahagi nito.
Ayon kay General Jean-Louis Georgelin, presidente ng organisasyon responsable sa restoration, ang “safety phase” daw ay kinabibilangan ng wrapping at pagprotekta sa gargoyles ng cathedral, pag-reinforce sa flying buttresses.
Nakumpleto na rin daw ang pag-secure sa gusali.
“That means that we’re officially saying that the cathedral is now saved, that it’s solid on its pillars, that its walls are solid,” ani Georgelin.
Itinuturing naman ni Georgelin na ang pagbubukas ng cathedral sa 2024 tagumpay ng lahat ng taga France. (CNN)