Reading Time: 1 minute

ILOILO CITY – Naaresto na ng Philippine National Police (PNP) ang notoryus na carnapper ng mga motorsiklo sa Guimbal, Iloilo.

Ang nahuli ay kinilalang si Carlito Julapanon, 33-anyos na residente ng Lupaan, Laua-an, Antique.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Executive Master Sergeant Josenilio Sabran, deputy Chief of Police ng Guimbal Municipal Police Station, sinabi nito na naaktuhan mismo nila si Julapanon na tinatangkang nakawin ang isang motorsiklo sa Bongol, San Vicente, Guimbal, Iloilo.

Ayon kay Sabran, ibinunyag ng suspek na may mga kasamahan ito ngunit tumanggi na pangalanan ang mga ito.

Itinuro naman ng suspek kung saan nila dinadala ang mga na-carnap na motorsiklo.

Kasunod nito ang pagsagawa ng hot pursuit operation ng mga otoridad sa Antique kung saan narekober ang 21 arnapped na motorsiklo.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act and Anti-Distracted Driving Act si Julapanon.