-- Advertisements --

taguigdrug

Arestado ang isang notoryus drug member sa ikinasang anti-illegal drug operation ng Taguig PNP sa may bahagi ng P. Mariano Street, Barangay Ususan nuong Biyernes,January 20,2023.

Kinilala ni Taguig City Police Chief Col. Robert Baesa ang drug suspek na si Bernardo Tiñga, 56-anyos kung saan nakuhanan ito ng mahigit P95,000 halaga ng umano’y shabu.

Bukod sa iligal na droga, nakumpiska sa posisyon ni Tiñga ang isang cal. 45 pistol, isanng empty 45 cal. magazine, anim na 45 cal. ammunition at iba pa.

Ikinasa ng mga tauhan ng Taguig PNP Substation 4 ang pagsalakay batay sa search warrant na inisyu ni Taguig City Regional Trial Court Branch 15-FC Judge Byron G. San Pedro.

“Taguig has a very strong anti-illegal drugs stance. In fact, Mayor Lani Cayetano herself has a marching order for the City to be rid of these illegal substances. We assure the public that the Taguig Police will not rest until we achieve this goal,” pahayag ni Col. Robert Baesa.

Kung maalala ang Taguig PNP ay pinarangalan dahil pinalakas na kampanya laban sa iligal na droga at naglagay sa kulungan sa mga kilalang miyembro ng Tiñga Drug syndicate at iba pang high-value drug personalities na nago-operates sa siyudad.

Magugunitang, hinatulan ng reclusion perpetua ang miyembro ng Tinga Drug Syndicate na si Joel Tiñga dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga noong 2016.

Ang isa pang miyembro ng sindikato na si Elisa “Ely” Tiñga, asawa ni Noel Tiñga na pinsan ng dating alkalde ng Taguig na si Mayor Freddie Tiñga, ay pinatawan din ng parehong parusa noong Pebrero 2017.

Sa panahong iyon, siya ang pangatlo sa most wanted person sa listahan ng mga personalidad ng ilegal na droga. Siya rin ang ikapitong miyembro ng Tiñga Drug Syndicate na naaresto at nakulong.

Noong 2020, ang buy-bust operation ay humantong sa pagkakasamsam ng mahigit P20 milyong halaga ng shabu at nagresulta sa pagkakaaresto kay Patrick Ace Tiñga.