-- Advertisements --

Dismayado ang Malakanyang sa pangmamaliit ni Vice Pres. Sara Duterte sa pagiging tourist spot ng San Juanico Bridge.

Binigyang diin ni Palace Press Officer Claire Castro na ang nasabing tulay na may habang 2.16km at naitayo noon pang 1973 ay simbolo ng kagandahan at engineering capabilities.

Wala rin naman anya sa iksi o haba ng isang tulay ang pagiging tourist spot nito.

Inihalimbawa pa ni Castro ang Golgen Gate sa San Francisco, California na 2.7 kilometers lang din ang haba at maging ang El Marco(nagdurugtong sa Spain at Portugal) na anim na metro lang subali’t mga tourist spot.

Sabi ng opisyal, nakalulungkot na habang masigasig na isinusulong ni Pang. Marcos ang turismo ng Pilipinas ay kapwa Pinoy naman ang nagbabagsak dito.

Reaksyon ito ng Palasyo sa pahayag ng bise presidente sa Australia kung saan kinuwestyon nito kung paanong naging tourist spot ang San Juanico Bridge.