-- Advertisements --

Tinapos na ng NorthPort ang tatlong sunod na pagkatalo nila matapos hindi papormahin ang NLEX 107-94 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Pinangunahan ni Robert Bolick Jr ang NorthPort matapos magtala ng 33 points, 12 rebounds, pitong assists habang mayroong 22 points at 17 rebounds si Prince Ibeh at ang rookie player na si William Navarro ay mayroong 17 points at 13 rebounds na may pitong assists at dalawang steals.

Mula sa unang quarter ay hawak ng NLEX ang kalamangan kung saan umabot pa sa 24 points ang kanilang kalamangan na mayroon na silang apat na panalo at limang talo.

Nasayang naman ang 18 points na nagawa ni Kevin Alas na mayroong tatlong panalo at limang talo ang NLEX.