-- Advertisements --

Tumaas sa 7.2 percent ang year-on-year headline inflation noong Abril mula sa 4.1 percent noong Marso, na dulot ng pagtaas ng international fuel prices na nakaapekto sa food at energy cost.

Lumampas ito sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nasa pagitan ng 5.6 percent hanggang 6.4 percent para sa buwan.

Mula Enero hanggang Abril, umabot sa average na 3.9 percent ang inflation, mas mataas kaysa target ng BSP na 3.0 percent para sa buong taon.

Para sa mga kabahayan na kabilang sa lowest 30 percent ng populasyon, mas mabilis ang pagtaas mula 4.2 percent noong Marso tungo sa 8.5 percent noong Abril.

Nagpatuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas at isda dahil sa mas mataas na post-harvest at transportation costs.

Tumaas din ang transport inflation kasabay ng pagmahal ng domestic petroleum prices sa pump, habang nadagdagan ang electricity rates dahil sa mas mataas na generation charges.

Sa month-on-month seasonally adjusted basis, umakyat sa 3.0 percent ang headline inflation noong Abril mula 1.6 percent noong Marso.

Samantala, ang core inflation na hindi kasama ang volatile food at energy items ay tumaas mula 3.2 percent noong Marso tungo sa 3.9 percent noong Abril.

Nanindigan ang BSP na tutuparin nito ang pangunahing mandato na pabagalin ang inflation at gagawa ng kinakailangang hakbang upang maibalik ito sa 3-percent target sa tamang panahon.

Mananatili itong vigilant sa spillover effects, data-driven, at handang kumilos kung kinakailangan.