-- Advertisements --

Binigo ng NorthPorth ang TNT 112-96 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Ito na ang apat na sunod na panalo ng Batang Pier kung saan mayroon na silang apat na panalo at isang talo kaparehas na nila ang NLEX Road Warriors.

Sinabi ni head coach Bonnie Tan na hindi siya binigo ng kaniyang manlalaro na huwag hayaan matapos ang sunod na panalo.

Nanguna sa panalo ng NorthPort si Arvin Tolentino na mayroong 29 ponts at walong rebounds habang si JM Calma ay mayroong 22 points at 13 rebounds at 14 points naman ang naitala ni Joshua Munzon.